GF, nahuhulog ang loob kay best friend

Ewan ko kung mag rereply kayo pero hi. Gusto ko lang kasi ilabas to talaga. Ewan ko kung makikita nyo to or anything pero hi ulit. I don’t know you, you don’t know me. So kung ano man sasabihin ko, please don’t judge me. Tao lang naman ako. So eto na.

I have a boyfriend. Tapos meron din akong close friend na lalaki. Si close friend na guy, sobrang caring at sobrang bait sakin. Nafeel ko sa kanya yung di ko nafeel sa boyfriend ko. So ayun blablabla, in short, medyo nagkaron ako ng feelings sa kanya.

One night, nag inuman kami ng friends ko kasama si close friend na guy. Andun din yung isa kong close friend na babae. So ayun. Naglaro kami. Tapos nakacircle kami sa table. Tumabi ako kay close friend na guy kasi sasaluhin nya daw yung mga shot ko dahil ayaw nya ko malasing. (Huhu pinaghimay pa nya ako ng fish para kumain ako)

Sa sobrang lasing ko wala ako halos maalala that night. Pagkagising ko, nakita ko magkausap na si close friend ko na guy at girl. Ang di ko lang kasi matanggap, alam ni ate girl e. Alam nya kung ano yung pinagdadaanan ko kay close friend na guy na parang nagkakaron nga ko ng feelings ganon. Tanginaaaaaaa. Tangina talaga.

Mahal ko naman boyfriend ko pero kasi huhu ang hirap i-explain. Alam mo yung sya (close friend na guy ) kasi talaga yung dream guy ko pero alam kong di sya magkakagusto sakin (pero sabi sakin ng mama ko parang may feelings daw si guy pero weh) e yung boyfriend ko naman di ko mabitawan kasi endangered na yung mga katulad nya huhuhu. So yun. Di ko alam yung point ko dito pero gusto ko lang naman mag labas ng hinanaing. Hehe. The end.

From : Madaldal Girl

1 comment… add one
  • Margs Link Reply

    Chika ko lang kung bakit sobrang lungkot ko now.

    Nahihirapan ako eh yung taong gustong gusto ko nung 2017 akala ko kaibigan lang talaga pero di nawawala yung love ko sa kanya not as a bestfriend, literal na love mahal ko eh akala ko pag bumabalik closeness namin okay lang, yun pala hindi. Everytime na bumabalik closeness namin kahit para sa kanya bestfriend lang yun di ko maiwasang mahulog.

    Mahal na mahal ko yun. Lalo na ngayon super close kami. Eh may girlfriend siya ako walang jowa. Ang sakit sa part ko na sakanya wala lang yun pero para sakin importante kada minuto na magkasama kami.

Leave a Comment