Okay lang kung wag ka mag reply ha. Mahaba to. And ewan ko talaga kung anong point ko dito. Paputol putol kasi pag type ko e nalimutan ko na kung bakit ko ba nasimulan to. Hahahaha.
Hi. Alam mo ba friendly ako. Halata naman siguro kasi kinakausap kita kahit di naman kita kilala. I’m really friendly di lang halata sa unang tingin sakin because I have this so called “resting b*tch face”. Hahaha. I like making people feel na they’re loved. Even when they hate me.
I try my best to make them see rainbows lalo na sa mga times na ang hirap makita nun. Kaya siguro I get attached agad agad. I want to make people feel like they’re love. So ako, I try to love them. Like love them as a friend ganun. Di ko napapansin pero siguro minsan I give too much of myself.
Panganay ako. Unplanned kid. So I grew up, thinking na kasalanan ko kung bakit ang daming frustrations ng nanay ko sa buhay nya. Mga 60% pa lang ako nakakaget over na di ko naman talaga kasalanan pero I don’t know.
Bata pa lang ako, matured na ko mag isip. Kaya people don’t believe me when I tell them my age. My mom wanted me to be “strong”. Kaya bata pa lang, gusto nya matured na mag isip. Siguro strong nga ako. Somehow. Hehe.
Di ako close sa dad ko. Nagkakausap lang kami pag tungkol sa aso at tungkol sa mga banda. Or pag nasesermonan ako when I talk back to them. Sa badtrip sakin, di nya napapansin na sa mga anak nya, ako na lang nagbebeso sa kanya pag alis nya pati pag dating nya.
May dalawa akong kapatid, babae tapos lalaki. Medyo malaki age gap namin pero I do my best na di nila mafeel yun. Gusto ko mafeel nila na andito lang ako lagi para sa kanila.
Ramdam ko kaagad pag may mali sa kanila. Tapos pag umiyak, pinipilit kong sabihin sakin kung ano yung mali. Kasi ramdam ko kung anong feeling na parang mag isa ka lang at walang mapagsabihan ng problema.
Yung babae, atechoda. Di ko kaya ugali. Yung lalaki, yun close ko sa kalokohan. Hahaha. Pero kahit ganun, madalas sinasalo ko chores nila.
Yung boyfriend ko, 3 years na kami. Okay naman. Masaya naman. Pero sa 3 years na yun ramdam ko na mas ako yung gumagawa ng paraan para magkita kami. Magkabilang dulo halos kasi kami ng Laguna.
Mahal ko sila. I try my best everyday. Pero alam mo yun. Di naman ako nag- e-expect ng anything from them. Gusto ko lang naman e ma-appreciate ako. O yung ginawa ko. Pero parang nag expect pa rin pala ko dun. Hahaha. Ewan ko kung bakit ko sinasabi to. Di ko rin alam yung point ko. Siguro gusto ko lang mag rant. Hahaha.
From : Madaldal Girl