May isang taong pumasok sa buhay ko na hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya. Jojowain ko ba sya o totropahin?
Isa syang lalaki na nagkakagusto sa kaibigan ko. Noong una ayaw sa kanya nung kaibigan ko kasi hindi nya ata type or ewan ko.
Basta she doesn’t like that guy. Bilang kaibigan nung girl, sa akin sya lumapit and we became friends.
Sobrang close as in parang magjowa ang turingan. I’m so grateful naman na pumasok sya sa buhay ko kasi dahil sa kanya naging masaya ako.
Naramdaman kong special ako kasi he cares for me, he always updates me about his life and he asks me everyday about my day. Di ba we’re like mag jowa thing but hindi.
Kasi alam namin sa sarili naming sa friendship kami nagsimula at hanggang doon lang yon. I don’t have feelings sa kanya kasi para sakin for keeps yung ganong lalaki hindi pang jowa. Kasi nagtatapos yung jowa thing eh pag friendship thing nagla-lasts di ba?
So ayon 1 month kaming ganon na parang mag jowang-friendship thing hanggang sa unti-unti na syang nagbabago kasi my friend realized na sobrang caring nyang tao and ideal man sya ng iba, ganon. Kaya ata na-realized, kasi sakin nga mismo pinaramdam kahit na we’re just friends lang.
Yung masakit na part don is yung nakukuha nya na yung friend ko kaya slowly ng nagfa-fade yung friendship na namamagitan samin.
Kung mag work sila, I’m so happy for them naman lalo na sa friend ko kasi I know na isang mabuting tao yun.
Actually classmates kaming tatlo.
Sent by :
Ness of Las Pinas
mahal mosha pero sha mahal kaba niya yun yung tamang tanong