Salamat sa pagbabasa. Sobrang laking bagay na kahit hindi ko kilala ay may handang makinig sa akin. Sobrang sama kasi ng mundo sa akin ngayon. Pakiramdam ko wala akong mapuntahan. Wala akong kakampi.
Kasi may problema sa family. Alam mo ba yung pakiramdam na gipit ka na tapos ginigipit ka pa lalo. Nagkaroon kasi ng crisis sa company na pinagtatrabahuhan ng parents ko kaya parehas sila nawalan ng trabaho.
College kami parehas ng ate ko. Maraming gastos kaya yung ipon para sa school na lang. Sa dami ng bills sa bahay nawalan na kami kuryente🙄😅.
May mga relatives kami dito sa village na binigyan namin ng house :< Nakiusap kami na makiconnect sa kanila ng kuryente pansamantala meron na lang gagamitin para maidentify magkano naconsume namin kaso ayaw pumayag kasi wala daw kami pambayad HAHAHAHA. So ayun walang kuryente. Tipid din sa lahat ng bagay kasi wala pang mahanap na trabaho sila mommy at daddy.
Bale yung relatives ko ngayon di nila kami pinapansin hahaha. Parents ko di nila ako favorite kaya mas mahigpit talaga sa akin. Lalo na super iba kami ng ate ko.
Walang kuryente pero nakakapag-internet, hahaha. Kasi may source ng load HAHAHA . Tsaka yung bestfriend ko daily ako pinahihiram ng power bank para makapag charge.
Tapos pinaghiwalay pa kami ng partner ko. Kasi against yung mommy ko sa relationship ng bisexual. Parehas kami babae .Eh akala nya nung una thrilled lang ako kaya ako sumubok ng ganun. Kaya nung makita nya na seryoso kaming dalawa ng partner ko, pinaghiwalay kami. Ayun maliit na bagay lang pero sobra akong nasasaktan. Sorry kung feeling close ako sa pagkukwento, haha.
Sent by:
MumuGirl of Calabarzon
Tiga San po kayo
Ako man ay kagaya mo pareho tayo